Butter Diner.

(Haha. Wala lang yung title. Kasi jan nagsimula lahat..)

Eto ang araw ko kahapon, nagkitakita kami nila JED, ROMEO AND JHAN. So, sa gateway (timezone) kami unang nagkita. Kantahan muna sa music area. Then, ang boring na. Kaya naisipan namin uminom para naman may magawa. Naghanap kami. Anyway, kay LIAM kami nagtanong kung saan may malapit sa gateway. (tinext ko siya kasi alam kong taga cubao lang siya) At napunta kami sa Butter Diner. Dumating si LIAM galing sa work. Nag order kami ng 3 bucket ng T-ice at isang bucket ng antonov. (Sa antonov namula cheeks ko.. grabe may allergy pala ako sa vodka)

After namin uminom, dumiretso na kami sa hotel na tinutuluyan ni JED. Nagpahinga. Pero dahil sa sobrang pagod na din namin, naisipan nang wag na umuwi. Dun nalang palipas ng gabi. Kumuha pa kami ng isang room, kasi padating na tito ni Jed. Ang saya lang. Salamat kay JED kasi halos lahat ng gastos siya gumastos. HAHA! 

So, uwian na kaninang 10. Dapat susulitin pa namin yung room kasi mejo mahal. Dapat hanggang 12 pa kami dun, pero dahil sa gusto ko na din umuwi ayun umuwi na kami. Si ROMEO kasama ko pauwi. Grabe lang. ADVENTURE. Ang dami namin sinakyan. At nakakatakot makipagsiksikan sa LRT. Parang sardinas lang talaga. AHH basta ngayon nandito na ako sa bahay, SAFE. 

  1. haponita posted this