Bakit maputi kili-kili mo?
Dahil hindi uling ang roll-on ko. Charaught. Kung gusto mong pumuti kili-kili mo wag mong masyadong i-RUB or wag kung anu-ano pinagaapply na cream. I-try mo yung pinakasimple, tawas. (para sakin mas okay yung buong tawas).
Anong tawag sa hairstyle mo?
Kung gusto mong gayahin hairstyle ko, tara punta ka dito samin tas pagupit ka din sa hair stylist ko. HAHAchos. ROSCUT tawag dahil Roswell name nung tagagupit ko. (So ako lang nagbigay ng tawag haha!) Ako lang nagsasabi kung anong gagawin niya. So ganito, pagupit mo yung kalahati ng buhok mo dapat above the shoulder para di magflyaway, parang octopus cut dapat then patrim mo. Sa bangs naman, undercut sa may loob basta wag lahatin, then dapat yung haba sa labas abot yung eyes mo. At rebonded ang buhok ko.
Patingin naman ng Kwarto mo.
KwartoOne. (before) KwartoTwo. (before) KwartoThree. (present)
Pano mo nagawa yung ilaw sa room mo?
XmasLights yun. Kung maglalagay ka dapat yung original kasi delikado pag local lang. Baka magcause pa ng sunog.
May boyfriend ka ba?
May kapatid ka ba?
Nagchecheckblogs ka ba?
Minsan lang. Mas gusto ko kasing nagmemessage mismo sakin na pacheck yung blog niya para hindi hassle. At mas okay din yun para mas makapagbackread ako.
Anong blog ba hanap mo?
Halos lahat ata ng klase ng blog finofollow ko na. Hindi naman ako naghahanap ng perfect blog, kasi kahit ako minsan walang kasense sense din pinopost. Pero ang gustong gusto ko talagang blog, yung tipong magkukwento siya, tapos may kasamang picture(s) para mas naiimagine ko kung ano yung kinukwento niya mas nakakainteresado.
Nakabraces ka ba? Ilang taon ka nang may braces?
OO. Mag3years na din. Dapat 1 and a half year lang to pero dahil sa tamad akong bumisita sa dentist inabot ako ng tatlong taon. Malayo kasi samin yung clinic ng dentista ko at minsan wala pa akong kasamang pumunta kaya nakakatamad talaga. Anyway sa Tayuman yun malapit sa may petron, kay DR.Toque.
Magkano? Masakit ba?
25K. Mura lang no? Oo, mura lang kasi may ibang mga case ng ngipin na umaabot sa 40k or 60k o mas mataas pa. Ewan ko lang. At OO masakit lalong lalo na kapag kakaadjust lang. Hindi ka makakakain ng kahit na anong matigas kahit kanin mahihirapan kang nguyain. Pero habang tumatagal naman nawawala yung sakit at masasanay ka din. Tiis ganda.
GLOBE/SMART/SUN?
Globe ang gamit ko, 0916 - 711 - 24/7 ministop LOLkiddin. Hindi ako nagbibigay ng number bastabasta dahil tamad akong magtext at nakakatamad akong katext lalo na kapag hindi kita gustong katext. HAHAjokelang. Pero seryoso, tamad akong magtext. At ibibigay ko lang number ko sa mga taong nakausap ko na dito noon at hanggang ngayon.
Pwede bang makipagkaibigan sayo? Para kasing Snobera ka.
Pwedeng pwede basta ba walang plastikan. Malakas kasi yung pakiramdam ko sa taong nakikipagplastikan lang sakin. At ayoko sa mga ganun. Parang sinasayang ko lang ang oras at panahon ko sa kanila. Nakikipag usap ako TA to TA. Minsan may mga nagoopen sakin ng kanilang buhay buhay kahit na hindi pa kami close at nakikipagusap naman ako. Nakakatuwa lang kasi kahit na ganun, may tiwala sila sakin at kahit na papano nakakatulong ako.
Nagaadvice ako about LOVE problems kapag nasa mood ako. Kaya sorry sa mga nagTTA about their experiences and everything na hindi ko nasasagot agad agad. At kapag nagsasagot ako, prinaprivate/dinedelete ko din yung iba. At mas pabor sakin kung magTA ka ng hindi nakaANON kapag magtatanong ka ng about dito.
